Skip to main content

Posts

Featured

Depresyon

Aming tatalakayin ang isa sa mga isyu ng ating bansa na nararanasan ngayon ng mga iilang kabataan at kapag hindi sila dito nagabayan o natulungan ay maaaring humantong ang mga batang ito sa pagdedesisyon na magpakamatay. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) nasa 3 milyong Pilipino ang nakararanas ng "depressive order". Mahigit 2,000 kaso nang suicide ang naitala ng WHO sa ating bansa noong 2012 at sa buong mundo, ang suicide ang naitalang pangalawa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad 15-29. Ano nga ba ang depresyon? Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang isang tao ay nakadarama nang labis na kalungkutan at ang pumapasok sa isip ng taong may depresyon ay puro negatibo. Ito ay isa sa mga problema na kinahaharap ng mga tao sa ating mundo ngayon maging sila man ay menor de edad o hindi. Ito ay maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan. Ito ay iba sa karaniwang pagbabago o panandaliang emosyonal na tugon sa mga pagsubok sa a

Latest Posts