Depresyon
Ano nga ba ang
depresyon?
Ang depresyon ay isang
kundisyon kung saan ang isang tao ay nakadarama nang labis na kalungkutan at
ang pumapasok sa isip ng taong may depresyon ay puro negatibo. Ito ay isa sa
mga problema na kinahaharap ng mga tao sa ating mundo ngayon maging sila man ay
menor de edad o hindi. Ito ay maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan. Ito ay
iba sa karaniwang pagbabago o panandaliang emosyonal na tugon sa mga pagsubok
sa araw-araw na pamumuhay.
Narito ang mga iilang
dahilan kung bakit ang isang tao ay depressed: problema sa paaralan, pamilya,
at kaibigan, pagkamatay ng isa sa minamahal sa buhay, nakararanas ng pang-aapi,
atbp.
Maraming masasamang epekto ang madudulot ng depresyon sa atin. Mawawalan ng kapayapaan sa isipan, makadarama ng labis na kalungkutan, maiisip na walang pakinabang sa mundo, magiging sensitibo sa halos lahat ng bagay, mawawalan ng ganang kumain, mawawalan ng interes sa mga bagay-bagay, lalayo ang loob sa pamilya at kaibigan, at ito ay maaaring humatong sa pagkitil sa sariling buhay.
Ano ba ang nararapat
nating gawin para tayo ay makatulong sa taong kilala natin na mayoong
depression?
Ø Sabihin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay
Ø Maaari natin silang himukin na pag usapan ang
kanilang problema at maging mabuting tagapakinig
Ø Huwag isantabi kung sila ay nagsabi tungkol sa
pagpapakamatay
Ø Alamin
ang kanilang mga nararamdaman
Ø Siguraduhin na sila'y malusog at nakatutulog
Ø Huwag limutin na makipag-bonding sa kanila
Ø Iparamdam natin na narito lamang tayo sa oras
na tayo'y kanilang kailangan at ang ating pagmamahal at atensyon.
Ø Payuhang palaging magbasa ng Bibliya at
magdasal sa ating Panginoon. Tiyak na alam Niya ang lahat ng nangyayari sa
ating buhay at hinihintay Niya lamang na tayo'y makipag-usap sa Kanya.
Dapat talaga hindi gawing biro ang pagkakaroon ng depresyon at dapat na intindihin natin sila at makinig sa mga nararamdaman nila para gumaan kahit papano ang kanilang nararamdaman dahil napakadami ang maaring maidulot ng depresyon sa isang tao
ReplyDeleteSa lahat ng pagkakataon ay dapat manalig tayo sa panginoon dahil gagabayan niya tayo sa lahat ng ating ginagawa kaya hindi tayo dapat mangamba. Dapat din na tulungan natin ang ating mga sarili.
ReplyDeleteSa ibang araw, hindi mo alam ang tunay na timbang ng iyong dinadalang emosyon hanggang sa araw na sa palagay mo'y nalalabas na ito. Huwag kang mahiya na di ito pagsabi sa ibang taong nagmamahal sayo baka sa iba ka madala at huwag kang gumawa ng permanenteng desisyon para sa iyong pansamantalang emosyon. Dahil ang sakit ay pansamantala lamang kusa yan mawawala kung nalabas mo na ito sa iyong puso.
ReplyDeleteDapat talaga maging sensitibo ang mga tao sa mga binibitiw na salita at ginagawang aksyon sapagkat di nila alam ang epekto nito sa ibang tao. Hindi rin ito dapat ginagawang biro o wag kantsawan na "OA" ang isang tao dahil di natin alam kung anong pinagdaraanan nito. Tamang dapat ay huwag natin pabayaan ang mga kakilala nating nakikitaan natin ng mga sintomas nito para huwag umabot sa pagsu-suicide.
ReplyDeleteDapat talagang ipanalangin ang mga kabataang nakararanas ng matinding kalungkutan sa kanilang mga buhay. Kaya naman, matuto tayo makinig at patuloy silang paalalahanan na sila'y may halaga at hindi pa natatapos ang karera sa buhay.
ReplyDeleteTunay na nakaaapekto ang depresyon sa bawat tao at hindi dapat ginagawang biro. ANg depresyon din ay maaaring mangyari kahit sa hindi natin inaasahang tao, ang mga taong akala natin ay laging nakangiti ay mayroon palang pighati sa kanilang puso at isip. Ang pakikipagusap ay masasabi nating mabisang paraan ngunit huwag natin sila kakausapin dahil lamang nalaman natin na depress sila, ugaliin natin ang pakikisalamuha sa ating kapwa lalo na sa ating mga kaklase dahil hindi natin alam na maaaring may malaking epekto ito sa kanila. Tandaan natin na lagi nating bantayan ang ating mga sinasabi o ginagawa sa ating kapwa dahil ito ay maaring magudyok sa kanila upang maramdaman ang depresyon. Iwasan na rin natin ang pangungutya o “bullying” sa ating kapwa dahil ito ang masasabi kong isa sa pinakamalaking dahilan sa pagkakaroon ng depresyon dahil alam ko sa sarili ko na ako mismo ay nakaranas nito.
ReplyDeleteHindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng bawat tao, maaaring may mabigat na silang dinadala na hindi nila sinasabi. Kaya dapat na tayo ay maging maingat sa ating mga sinasabi. Huwag natin silang kalimutang ipagdasal at lagi nating ipaalam sa kanila na narito lamang tayo para sa kanila.
ReplyDeleteDapat talaga ay maging aware tayo sa ganiting oangyayare dahil hindi natin alam ang mga pinagdadaanan ng bawat isa minsan makikita mo silang tumatawa pero hindi natin alam na may mabigat pala itong pinagdadaan dapat andito tayo palagi para sakanila at alam nila na hindi sila nagiisa
ReplyDeleteAng Depression ay malaki talagang problema na dapat agapan. Ang paraan upang ikaw ay makawala dito ay lagi kang manalig sa Diyos sapagkat ginawa tayo ng Diyos nang may pagmamahal at tayong lahat ay may kanya kanyang mission sa buhay kung kayat hindi ka nilikha nang walang dahilan. Ikaw ay hindi pagkakamali, ikaw ay Kanyang pinaka magandang nilikha. Lagi ka lamang magdasal at manalig sa Diyos. Ang iyong pagkabuhay ay hindi lamang makatutulong sa iyong sarili ngunit pati sa iyong kapwa. Lagi mong isipin na mahal ka nang Diyos at may mga taong nagmamahal saiyo. Ang pagpapakamatay ay hindi lutas sa iyong problema laging isipin na ito ay pagsubok lamang na magpapalakas sa iyo. Talagang pahihirapan ka nito upang ang iyong paghihirap ay magbunga at mula rito ay dapat kang matuto sa mga napagdaanan mo.
ReplyDeleteNararapat talaga na bigyang pansin ang Depression dahil ang problemang ito ay maaaring minsanang problema o maaaring magpatuloy na kung saan ang napakamabisang solusyon ay pakikipagusap sa isang taong depressed na handa kang makinig at walang sawang intindihin ang kanilang kalagayan upang kahit papaano maibsan ang ikinagugulo ng isipin nila.
ReplyDeleteTama. Hindi talaga dapat balewalain ang depresyon dahil marami sa mga tao ngayon lalo na sa mga kabataan ay nakararanas nito. Kung hindi ito maaksyunan, baka may mangyari pang masama. Kaya dapat ay maingat din tayo sa ating mga sinasabi at ginagawa dahil baka masaktan pa natin lalo. Dapat din ay lagi tayong nasa tabi nila lalo na kung kailangang kailangan nila bilang kaibigan. Huwag nating gawing biro amg depresyon dahil hindi natin alam ang nararamdaman nila sapagkat hindi naman tayo sila. Salamat sa blog na ito at sana ay mamulat pa ang ibang tao. :)
ReplyDelete